Bhunnylhove's Blog

Just another WordPress.com site

Bakit single ang status mo?!

Babala: Pawang katotohanan lamang po ang nakasulat kaya’t huwag mong ipagpatuloy ang pagbabasa kung mapipikon ka lang!!! Kaya’t ngayon pa lang ay sasabihin ko ng tabi tabi po sa inyo!!! I know makaka relate ka!!!!

Destiny

Eto yung mga naghihintay kay “Destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life” ayannn… kakapanood nyo ng “Serendipity” o kababasa ng romance pocketbook eh feeling nyo ang nangyari sa movie o sa libro eh mangyayari rin sa inyo… such a cliche.. hindi nyo ba alam na kung walang effort destiny is useless. Kaya kumilos ka na ng matagpuan mo na ang prince charming mo?!

Perfectionist/Mapili

Isang taong perpeksiyonista. Yung tipong “dapat ganito ang magiging kapartner ko”. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o maydumi lang, turn-off na agad. O kayang daming ayaw. Ayaw sa mabait, boring daw, gusto bad boy/pilya pero
kapag pinaiyak ka tatanungin ka “bakit ang sama mo”, “bakit mo nagawa yun!”…Adik ka ba?!…
Ayaw sa cute,ayaw din naman sa panget.
Meron dyan gusto ka ayaw mo naman yung gusto mo halos magtambling ka pero deadma pa rin yang stunts mo sa kanya!
Pasaway ka rin eh! Ano ba talaga kasi ang gusto mo?!

*Busy Busyhan

Eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda nang kelangan para sa lunes hanggangbyernes. Pssst.. pause for a while naman!

*Friendship Theory

Eto ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend, na hindi masabi-sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama, dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre ayaw magpahalata, kunyari happy sya for friendship.
ABA! Oi! Lakasan mo ang loob mo at wag mo ng pairalin yang pride n yan kung pride chicken man yan o kung ano pang pride yan at baka mamaya forever mong pagsisihan yan, kaw rin! Kaya mas mabuti ng nasabi mo ang nilalaman ng puso mo sa kanya kaysa habang buhay mong panghinayangan na di nasabi ang damdamin mo sa kanya! Ikaw din, baka huli na ang lahat para saiyo!! Sayang di ba?!
Minsan pa naman pareho pala kayong naghihintayan hmmp!

*Born-to-be-one (Autistic)

Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa mundong mag-isa. Kesyo magmamadre o magpaparina lang. Asa kang tatanggapin ka pa
noh!

*Happy-go-lucky

Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino na lang basta no string attached. For fun lang daw walang halong seryosohan.
Ingat ingat ka lang din at baka magkaron ka pa ng sakit nyan, maging instant mommy/daddy ka nyan, or worse makakuha ka ng sakit at makarma!!
ABA hoy! Yang init ng katawan mo eh ikiskis mo na lang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

*Wrong Place

May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka.
Yung ang nakakaharap mo yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap.
Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo eh yung amoy ng nasa sariling bayan mo o kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo
kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

*Wrong Time

Eto yung mga tao na sinasabi na “hindipa ako ready e, bata pa kasi ako” o kaya naman “hindi pa ako handa sa panahong ito”, “wala pa ako kayang ipagmalaki”. Yes merong mga ganyan.
Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwww!… Aba kailan naman kaya yan mangyayari?!… Pag uugod-ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag-out of time ka na? wake up!!! Dapat sugod lang ng sugod everyritme you fall inlove huwag ka lang makasakit ng iba kung hindi ikaw din ang karma bumabalik?! Kaya huwag mawalan ng pag-asa

*Si Parents kasi…

Yes, factor din ang komyunidad ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na “Alam mo hindi kayo bagay. Langit at lupa kayo.”
Awwwww!… So what ?! Palibhasa choosie cla!!!” Tanging Ikaw lang ang makakaalam kung sya na nga ang love of you’r life na pang habang buhay!! Kung nakita mo na ang Mahal mo Ipaglaban mo!

*Traumatic Experience

Eto kalimitan ang reason ng marami. “Ayaw ko na!!! Pagod na ako! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!” O di ba, ang drama ng layp?… Yes, tama ka! Eto yung dahil sa past relationship mo, e until now aayaw mo nang magkaroon at sinumpa mo na ata
ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka, ano pa ba? Madami yan wag na nating isa-isahin at baka tumulo ang tears, Lol’z Gayunpaman, eto lang ang maari mong malaman!
Ibat-iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait at tamis ang pag-ibig.
Aba, mapalad ka at natikman mo ang ibat-ibang lasa nito dahil nagmahal ka ng totoo! Di naman pwedeng laging masaya na lang palagi!!
Kaya ikaw, “Don’t be afraid to fall in ove again… malay mo, sweetiness na ang malasahan mo next time.! E di panalo ka sa lotto! Yan ang nagpapalakas sayo… Yan ang bumubuhay sayo… ang pag-ibig. Tsk!!! tsk!!!! Ang drama!

*EX to the Nth power

Oi, aminin!!! LOVE pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas.
May ganito naman. Yung tipong ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex.
Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa.
Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kailangan nyo ng magpaalam sa isa’t-isa…
YES, after a year sasabihin natin, “I’m over him/her na.”, pero pag-usapan natin ang love at ang
nangyari sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo.
At habang nagkukwento ka, OUCH! may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa iyong kalooban.
Ano kaya yun?!…
AMININ mo na kasi, MAHAL mo pa si EX…
mahirap sya kalimutan pero open your heart and makipag date ka, lumabas ka, at try to entertain someone.
Wag mo ikumpara si ex sa iba. Di dahil sinaktan ka ni EX, eh sasaktan k n din ng lahat ng guy/gurl na mamahalin mo!!
Di mo na maibabalik pa ang nakaraan kaya move on. Tulad nga ng sabi ng iba, “maraming isda sa dagat”. Kaya’t WAKE UP AND MOVE ON!!!!

Kaya’t Good luck, good luck n lang po s inyo!


“LOVE may take long but it always take you where you belong…
Enjoy the journey, no need to hurry…
Coz your heart will know when it’s finally home…”

by : unknown

September 30, 2010 - Posted by | Relationship/Love | ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: