Bhunnylhove's Blog

Just another WordPress.com site

Kasaysayan at Values

“Wala akong paki-alam sa sasabihin ng iba.
Hindi nila hawak ang buhayko.
Aawit ako “what matter most”, hindi ninyo ako mapipigilan.
Hindi ninyo maagaw sa akin ang pagkanta…… buhay ko na `to ……..”
ang iyong nabasa ay hinalaw sa pelikulang, “Piping Mang-aawit”,
na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naipapalabas sa anumang
sinehan sa bansa.
“Ha”!!!!, May sinasabi ka ba? Ano? Gusto mo mag-seryoso na tayo,
pero gusto ko talagang umawit.
Pero….anong aawitin ko???
Ngayon na gusto ko nang umawit ay hindi naman makabuka ang mga labiko,
ayaw gumana ng isipan ko. Marami `tong sinasabi, samu’t sari,
mga ideyang kumukurot sa puso ko…..
Binibilang ko ang pagtunog at galaw ng kamay ng orasan,
pinagmamasdan ko ang pagluha ng kandila,
pinakikiramdaman ko ang ingay ng mga kuliglig sa paligid,
nababanas ako sa sarili ko.
Gusto kung umawit pero di ko magawa.
Naglalaban ang isipan ko at ang konsensya ko.
Pinagtatalunan nila ang pag-awit ko. Walang dahilan, wala!
Aawit ka ba kung brown-out sa lugar ninyo,
aawit ka ba kung binabaha kayo?
Aawit ka ba kung watak-watak ang barkada mo?
Aawit ka ba kung malamok sa lugar nyo?
Aawit ka ba kung magulo, walang disiplina at puro tiwali ang nasa lipunan mo?
Gusto kung umawit, pero paano?
Marami akong tanong sa itaas na di ko mabigyan ng mga kasagutan.
Ito ang mga tanong na hindi maipaliwanag ng mga nagmamagaling na pananaliksik ng syensya.
Ito ang mga tanong na hindi mailalarawan ng
mga matitikas na salitang pang-uri at adjectives ng Filipino at English.
Ito ang mga tanong na hindi maku-cumpute ng bumibidang
formula at numero ng Mathematics.
Ito ang tanong na hindi maipapaliwanag ng “Laws of Gravitation” ni Newton
at ng “telescope” ni Galileo.
Walang isa sa kanila ng makakasagot sa problema ng Pilipinas,
walang isa sa kanila ang makaka-trace sa pinagmulan ng mga dilemma na
nangyayari sa lipunan at walang isa sa kanila,
ang magpapaliwanag ng kasaysayan
ng mga kaganapan ngayon sa lipunan.
Teka, teka, “kasaysayan” ba ang nasulat ko, tanungin kaya natin ang
masasabi ng ini-etsa-pwerang si Kasaysayan. Hanapin natin sa kanya ang
sagot ng mga alamat ng katiwalian sa Pilipinas.
“Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng mga dalubhasa sa Kasaysayan,
ang katamaran, sugal at kasinungalingan ay ipinakilala sa atin ng mga
nagmamalinis na Espanyol. Ang pagiging gahaman sa kapangyarihan ay
itinuro sa atin ng magiting na si Aguinaldo at ang isipang kolonyal ay
itinanim sa tin ng matataas at matatayog na mga paaralang ipinatayo ng
mga Amerikano.

Wala na tayong kulturang maaangkin nating atin, hindi
nila tayo binigyan ng pagkakataon na humulma ng sarili nating
pagkatao, ” ang mahinahong pahayag ng matandang si Kasaysayan.

Isang mapagkumbabang tinig ang sumingit. Ayaw siyang pansinin ng
nakararami. Tulad ni Kasaysayan, binabalewala lang din ang tinig ni
Values.
“Pinipilit kung ituwid ang balikong isipan at ugali ng mga tao sa
paligid ko, pero hindi ko na kaya ang lakas ni kamalian. Naghahanap
kayo ng kasagutan sa mga problemang nararanasan ninyo sa lipunan.
Marami kayong gustong sisihin at baguhin. Masyado nang malawak ang
alam ninyo sa mga disiplina ng Agham, Matematika at banyagang salita.
Matatalino kayo sa mga numero at salita pero bobo kayo sa ibang klase
ng “disiplina”, ang pagbabago. Nasa atin ang sagot sa mga problemang
inilalahad ni Kasaysayan.
Wala sa makinarya at teknolohiya ang sagot,
hindi ang kasikatan ang lulutas kundi “tayo mismo”, simulan natin sa
sarili ang pagbabago.

Ngayon, gusto kung umawit. Inspirado akong umawit. Aawit ako para sa pagbabago.
Aawitan ko ang mga tulog at saradong isipan ng tao.
Gigisingin ko ang natutulog nilang “pagmamahal sa bayan”.
Sa pamamagitan ng awit ko, sisikat muli ang araw sa “Perlas ng Silangan”
dito sa Lupang Hinirang.

from: bobongpinoy

July 19, 2011 - Posted by | tagalog/english, Uncategorize

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: